Art by Ava Victoria

By Jolau Ocampo

 

Iisa ang kulay at magkatugma

Silang dalawa; kalangitan at karagatan

 

Sipat ng langit ang kailaliman

Tanaw ng karagatan ang dulo

 

Dinig ng langit ang bawat hampas ng alon,

Tili ng dolphin at iyak ng balyena

 

Habang dinig ng karagatan

Ang bawat pagihip ng hangin

 

Pumasikot-sikot na ang tubig

Sa bawat ilog, sapa, talon at lawa

 

Habang nilalakas ng langit ang pagiyak

Makarating lamang sa puso ng karagatan

 

Hindi magtatagpo

Kahit gaano na katagal ang pagpapantay

 

Kahit gaano kanipis ang hibla

Na sa gitna nila nakahimlay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s