Art by Ava Victoria

By Jolau Ocampo

 

Pinagmamasdan ko ang hardin

na pinapula ng mga namumukadkad na rosas

at mamasa-masa matapos salubungin ng hamog.

 

Sabi ng mga anak ng dating hardinero,

Araw-araw itong diniligan ng tubig

Makaraan ang apat na dekada.

 

Ngunit sabi ng iba

puti raw ang mga ito dati

at ang hardinero lamang ang maaaring humawak.

Sumibol nga ang mga puting rosas sa tubig

ngunit namula ito nang sumanib ang dugo

na araw-araw winiwisik ng hardinero

mula sa mga nagtangkang hawakan ang mga ito.

 

Libre nang pitasin ang mga namulang rosas ngayon.

May mga nag-uuwi nito sa kani-kanilang bahay

upang pagmasdan ang pula nitong kulay.

 

Ngunit mayroong iilan na mas gustong hawak

ang mga ito habang nakatusok ang tinik.

Kinarga ang puntod na salamin galing sa bandang Norte

at ibinaon sa ilalim ng hardin

kung saan ang mga pinapulang rosas dapat ang nakatanim.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s